bakit may mga babaeng pakipot?

haha. eto na counterpart ng article ko about sa mga lalaking torpe.

mga babae, bakit nga ba tayo pakipot?

oo na meron naman hindi pakipot, pero para sa mga nagpapaMaria Clara dyan, bakit nga ba tayo pakipot?(ahah isali niyo na ako no bf since birth ako eh) hahaha

unang naiisip ko bakit may mga babaen pakipot ay dahil sa TAKOT. madaming dahilan bakit sila natatakot, isa na ang takot silang malaman ng mga magulang nila na may boyfriend sila kasi bawal pa at strict daw ang parents nila. Pwede rin yung takot sila sa commitment. natatakot ang ibang babae na baka hindi nila makayanan ang magkaroon ng isang relationship. Isa pang dahilan ng takot, ay ang pain. Takot ang ibang babae na baka magbreak lng din sila ng boyfriend niya in the end. Takot rin ang iba na bumaba ang grado nila dahil sa boyfriend. May natatakot din sa kantsaw ng iba at marami pang dahilan para sa TAKOT. bsta ang unang dahilan ay ang TAKOT.

pangalawa, may mga babaeng pakipot kasi naman di nila gusto yung lalaki(period). hahahah. oo na, magka-aminan na. minsan kasi ayaw manakit ng kapwa ng isang babae kaya ang mas masakit, nagpapakipot(kunwari) ang babae at ang kawawang lalaki umaasa naman sa wala.

Pangatlo, mag-mamadre ata tong mga babaeng ito kaya sobrang pakipot. hahahah

Pag-apat, OA lng talaga sila. ayaw kasi nila masabihan na "easy-to-get" sila. kaya ayun nagpapakipot. naman oh, kung gusto mo ang lalaki, edi sagutin mo na. huwag mo ng palampasin ang pagkakataon sis.

yung lng ang mga naisip ko na dahilan bakit may mga babaeng pakipot. ewan ko ba wala talagang kwenta ang utak ko ngayon. pasensya na :D hehehe


1 comments:

Maasinhon said...

ang totoo mas gusto ko ang babaeng pakipot dahil feel ko yung challenge.

Halimbawa, pakipot na sagutin ako... then kung nasagot na ako, pakipot naman na makahalik ako... and so on...

Lalo na kung mag-asawa na kami, ke sarap kaya i-make love ang asawang pakipot hehehehe

SELBOY