tao po. andyan po ba si hustisya?

Ang kasama kong blogger eh may binigay na url sa akin. Ang akala ko wala lng, tiningnan ko rin naman. Dangg! eto pala yung nasa balita nung isang araw. Yung mayor at Dar sec. na nasangkot sa isang eskandalo. Binasa ko yung buong ARTIKULO. Doon ko nalaman ang buong istorya. Naman oh naman! bakit ganito??? bakit? asan ang hustisya. Ano bang ikinatatakot ng golf club? porket mga politiko sila at ordinaryong tao lng ang nabiktima eh di na nila tutulungan yung nagigipit. tae nila! sabi sa balita iniimbestigahan pa daw. oh? isang malaking kalokohan! bakit pa? golf club niyo yan di niyo alam ang nangyari. walang kwenta. at sa mga politiko, umayos nga kayo. Mga feeling kase. eh ano ngayon kung di namin kau kilala. bakit kilala niyo ba kami? wahaha. quits lang. wag kayong hambog jan. "PUBLIC SERVANT" ang tawag sa inyo! in tagalog "PAMPUBLIKONG ALIPIN" alipin kau ok? kaya wag kayong umastang kung sino.

Humihingi rin ako ng panalangin na nasa mabigyan ng hustisya ang nangyari sa DELA PAZ family.


Read Users' Comments ( 0 )

isang matinding banat!

ano ba? d pa ba kayo napapagod?eh ano ngayon kng uno ka?grado ba ang sukatan ng talino?ang eskwelahan ba ang nagmamarka ng estado mo sa akademya ng pilinas?eh ano ngayon kung yan ang norms ng society.ba't pa ba kailangan ipagsigawan sa buong mundo na ganito ako. ayun angmga na-achieve ko? ano ngayon napala mo? wala.isa pa bakit pa ba natin pinoproblema ang problema ng iba kung mismongtayo may problema na di natin malutas-lutas. mag-isip muna kaya tayo.kung gusto nating tumulong. tulungan muna natin sarili natin. dahilwalang kwenta rin ang tulong niyo kung kalahati lng ang maiibigay mo.simpleng paalala pero tagos.

huling banat. ang sumulat nito ay wala lang. hahahaha joke lng :D
epekto ng holiday!!! maligayang pasko!! dec. 1 na!

oh. oh! ang magbibigay ng bayolenteng reaction ay tinamaan. hahahaha


Read Users' Comments ( 0 )

Bakit may mga lalakeng torpe????

Paggising ko kaninang umaga sumagi sa isip ko ang salitang torpe. Ewan ko lang kung bakit sa lahat ng salita na maiisip ko eh torpe pa ang unang pumasok sa kokote ko. Kaya ayun napaisip tuloy ako at nagmuni-muni hanggang sa biglang nagtanong ang utak ko kung bakit ba may mga lalaking torpe? OO nga noh. bakit nga ba? At dahil sa hindi ako mapakali at gustong-gusto kong malaman ang sagot tinanong ko ang mga kaklase kong lalake. Kahit na walang kwenta ang sagot ng iba, may iba rin namang matino parin ang pag-iisip. Kaya naman nakasummarize ako ng tatlong matitinding dahilan kung bakit natotorpe ang lalaki. (nga pala ang torpe ay ang pagkaduwag at pagiging mahiyain sa gusto mong babae)

Una: REJECTION

Natotorpe ang mga kalalakihan sa isang babae dahil natatakot silang ma-busted. (aminin niyo na) Takot kasi sila na ma-reject. Takot silang masabihan na "Sorry, may gusto na akong iba." o di kaya'y "Sorry, you're not my type". hahaha(brutal ang pangalawa). Ganito lng yan mga torpe, huwag kayong matakot na di tanggapin ng babae ang pagmamahal ninyo sa kaniya dahil "It's not your loss, It's hers". Magisip-isip naman kayo, ikaw na nga tong nag-aalok ng pagmamahal, eh ikaw pa tong tinatanggihan. Kaya move on. Hanap lng ng iba :D. Oo alam kong masakit pero mas mabuti na yon kaysa naman lumalim pa pag-ibig mo sa kanya tapos marereject ka. Eh yun ang mas masakit.

Sa kabilang banda paghinarap niyo naman ang takot niyong ma-reject at aminin sa kanya ang nararamdaman mo, eh malay niyo magustuhan din pala kayo ng girl o kaya bigyan kayo ng chance. Ang saya diba? hahaha kaya ganun lng yun, "Huwag na kayong magduwag-duwagan".

Pangalawa: WORTHLESSNESS

Unang-unsa sa lahat, ang salitang WORTHLESSNESS ay inimbento ko lang kaya wag na kayong kumuha ng dictionary at hanapin ang salitang yan dahil magsasayang lng kayo ng lakas.

Oo worthlessness, may mga lalake kasi na feeling nila hindi sila worth it para sa babae. Gaya nalang ng mayaman siya mahirap lng kami o kaya matalino siya, bobo kasi ako. Hay nako, why don't you give yourself a chance? yun lang yun. Pano ka mamahalin o bibigyan ng tsansa ng babae kung mismo ikaw iniisip mong wala kang K-W-E-N-T-A! Ayusin niyo muna self-esteem niyo bago kayo humarap sa pinakamamahal niyo. Cheer up! konting encouragement lang ang kailangan niyo. Kaya huwag na huwag kayong magsasayang ng panahon na kakaisip na hindi kayo deserving para sa kanya. Dahil baka malay niyo parehas lng kayo ng nararamdaman, naghihintay lng xa.

Pangatlo: DOUBT

Eto ang pinakamatinding rason bakit natotorpe ang isang lalaki sa babae. hahaha. Natotorpe ka sa kanya dahil hindi ka naman talaga sigurado kung mahal mo nga siya. tsk3. "Kindly check your heartbeat mister loverboy". hahaha. Kung natotorpe ka, samakatuwid eh nagdadalawang isip ka. Nako alisin niyo ang ganyan mentality. Dapat kasi kung mahal mo siya ng tunay di ka na magdadalawang isip pa na sabihin sa kanya ang tunay mong nararamdaman. Kahit na masaktan ka man, ayos lng naman iyon diba? bsta napaalam mo na sa kanya ang nararamdaman mo. Kung di ka niya gusto eh pakawalan mo siya hahayaan mong hanapin niya ang tunay niyang kaligayahan. Pakawalan mo rin ang sarili mo sa bigat ng nararamdaman mo at baunin mo lng ang pagmamahal mo sa kanya.

Ganito lng yan kung kayo talaga, kayo talaga! It's just physics, laging nagkakalapit ang north at ang south kasi compatible opposite sides sila at sila talaga ang dapat. diba?

P.S.

Sa mga lalake, huwag din naman kasi kayong tumutok lng sa isang babae. Kung nabusted kayo hanap ng iba kung nakamove-on na(at pls bilis bilisan niyo. hahah). eh kasi madaming babae diyan na handang makinig at magmahal sa inyo. Andyan lng sila sa tabi niyo. Maniwala na kayo sa akin dahil pagsinabi kong andyan lng sila, andyan lng talaga sila. huwag na kayong magbulag-bulagan. hahaha.

Pahabol:

Sa mga kaklase kong lalake na umangal sa pangatlo kong rason, nirevise ko na po yan kaya wag na kayong makipagdebate sa akin. ang sasama ninyo. hahaha.


Read Users' Comments ( 14 )